Pangalawang klase ng tula

2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. 

Uri ng Tulang Pasalaysay

a.       Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b.      Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c.       Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga sangkap ng tula

Isang klase ng Tula