Mga sangkap ng tula

Mga sangkap ng tula

1. SUKAT Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod at sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim o labing-walong pantig.


2. TUGMAAng tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. -May dalawang uri ng Tugma; *Karaniwang tugma (Ordinary Rhyme)Kung ang bigkas na malumanay at mabilis o malumi at maragsa ay magkakasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.*Ganap na Tugma (Exact Rhyme)Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod sa isang tunog.

3. KARIKTANAng kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin dito ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahagayag ng mga taludtod.

4. TALINGHAGAAng talinghaga ay mga pahayag na may mga makatagong kahulugan o di tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing "Naggagandahang bulaklak sa hardin ay ang aking daigdig." Ay ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Isang klase ng Tula