Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

Mga sangkap ng tula

Mga sangkap ng tula 1. SUKAT Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod at sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim o labing-walong pantig. 2. TUGMAAng tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. -May dalawang uri ng Tugma; *Karaniwang tugma (Ordinary Rhyme)Kung ang bigkas na malumanay at mabilis o malumi at maragsa ay magkakasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.*Ganap na Tugma (Exact Rhyme)Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod sa isang tunog. 3. KARIKTANAng kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin dito ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahagayag ng mga taludtod. 4. TALINGHAGAAng talinghaga ay mga pahayag na may mga makatagong kahulugan o di tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing "Naggagandahang bulaklak sa hardin ay ang aking daigd

Pang-apat na klase ng tula

Pang-apat na klase ng tula Tulang Pantanghalan o Padula- katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibagan lang, ito at binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa pamamaraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

Pangatlong klase ng tula

3.  Tulang Patnigan (joustic poetry) –  Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

Pangalawang klase ng tula

2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) –  Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang ta gpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.  Uri ng Tulang Pasalaysay a.         Epiko –  Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan. b.        Awit at kurido –  Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila. c.         Karaniwang Tulang Pasalaysay –  Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.