Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017

Isang klase ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak. Uri ng Tulang Liriko a. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ayy tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. d. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. e. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

Tula? Ano nga ba ito?

Imahe
Tula: Ano ang Tula? Ang Tula ay isa ring pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay ng mensahe batay sa kanyang nakikita, naririnig, nararamdaman at karanasan. Malaya nitong nasasabi ang nilalaman ng puso't isipan ng isang manunulat at binibigkas ito ng may malambing at maamong pananalita.
Paano nga ba mag mahal ang isang manunulat? Simple lang, seseryosohin ka nya at ang pagmamahal nya'y di kailanman magiging maalat.